Katanghalian ng hulyo, matao at halos hindi maubos ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Maingay ang paligid ng café na pinagtatrabahunan. Napupuno ang buong paligid ng tawanan, kutyaan, at mga barista na abala sa pagtatrabaho.Nilingon niya ang malaking salamin na bintana kung saan kitang-kita ang labas. Tirik ang araw at mukhang may kahanginan sa labas. Tangay ng hangin ang mga dahong nagkakalaglagan mula sa puno. Hindi niya maiwasan ang mapabuntong-hininga sa tanawin. Maganda at taimtim. Saliwat sa kaniyang naririnig. Naisipan niyang buksan ang laptop na nasa harapan niya.Doon, nagsimulang maglabasan ang mga sulat sa kanya ng mga taong kausap niya. Sunod-sunod ang litaw nito sa screen, Sunod-sunod rin ang tunog nito. Sa wakas, makalipas ang ilang minuto, huminto na rin ito. Napapikit siya saglit, inalis muna sa isipan ang mga iniisip. Dinaramdam niya ang katahimikang loob nang biglang tumunog muli ang kaniyang laptop."Hmm?" Bumukas ang kaniyang mata at napakunot ang noo. Sinilip niya ang sulat at agad na naningkit ang mga mata nito sa nabasa.Unread Message.'𝐓𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐬𝐭 𝐅𝐢𝐥𝐞𝐬.'𝐒𝐞𝐧𝐭 𝐛𝐲: Anonymous writer."Anonymous writer..." Bulong niya sa sarili. Nagdadalawang isip kung bubuksan ba ito o buburahin na lang. Bihira ang insidenteng may naliligaw na sulat lalo pa sa teknolohiya ngayon kung kaya't lubos na nakapagtataka. 'Mamaya, isa lamang itong uri ng pagnanakaw ng personal na impormasyon o hindi kaya ay pambubudol.' Biro niya sa sarili at napangisi. Naisip kung siya na ba ay nahihibang.Nais makuha ang kasagutan ay akma niya itong binuksan ngunit bago pa niya mapindot ang mouse ay isang malakas na pagbukas ng pinto ang kaniyang nadinig. Nakuha nito ang kaniyang pansin kung kaya't agad na doon niya ibinaling ang tingin."Kiel!!" Tawag ng pamilyar na boses—si Stella—nakatatanda niyang kapatid. Kauuwi lang nito galing ibang bansa. 'Ba't nandito 'to?' Tanong niya sa sarili. Sinubukan niyang tanungin ang kapatid ngunit bago pa siya makapagsalita ay muling tumunog ang kaniyang laptop.‘Anonymous Writer Unsent a message.’Agad bumaling ang tingin niya sa laptop nang mawala ang sulat sa kanya. 'Ano ang nangyari?' Isip nito. Ngunit kalaunan ay kinumbinse na lang niya ang sariling hindi talaga para sa kaniya ang sulat."What was that..." Mahinang saad nito at isinara na niya ng tuluyan ang laptop para tumayo at magpatuloy na sa trabaho."What are you doing here, Stella?" Magandang bati nito sa nakakatandang kapatid na siya namang ikina-kunot ng noo ng nakatatanda. Pumasok na siya sa loob ng kwarto kung saan ang mga trabahador lang gaya niya ang may permisong makapasok. Sumunod naman si Stella at sinundot sa bandang tagiliran ni Kiel."Ano 'yon? Nanonood ka ng bold kanina noh? Nako, Kiel! Sa trabaho mo pa talaga?" Tanong ng kapatid kay Kiel. Bakas ang birong pangungutya nito sa nakababatang kapatid. Ganoon lang talaga siya maglambing sa kapatid."Oh shh, Ate kaingay mo naman."Inis na sagot ni Kiel sa kapatid habang nag-aayos ng buhok sa salamin."Ganyan bati mo sa ate mo? At tsaka.. nakalimutan mo na ba ang araw ngayon? Mukhang pagod na pagod ka ah. Kailangan mo namang sumaya aba." Sunod-sunod na tanong nito sa nakababatang kapatid na ngayo'y nag-aayos ng gamit sa kahon."Hm? Today is what, friday? Ano meron?" Agad na napa-isip ito.'Oh, July 1...' Natauhan ito nang tumunog ang alarm niya sa telepono. "Ah, My birthday." Napa kagat ito sa ibabang labi at tumingin sa ilang kasamahan."Yes, Dummy. Come on, Take your apron off na. Nagpaalam na ako sa manager mo. They know na kikidnappin kita." Natatawang sabi ni Stella sa kapatid."Go Kiel, Kami na bahala rito. Happy birthday, Buddy." Paninigurado ni Kyle sa kanya at nginitian siya nito."Ano ba iyan, Mang-kikidnap pero mayroong pagpapaalam?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kiel kay Stella habang tinatanggal ang uniporme."Ganoon talaga kapag mabait na nilalang, Kiel. Kaya gayahin mo ako." Pagmamahangin ni Stella na ikina-irap na lang ni Kiel."Kayo na muna bahala diyan, uwi muna ako sa amin." Nagpaalam siya sa mga kasamahan at lumabas na ng kwarto kasama ang kapatid. Muli siyang sinalubong ng ingay ng mga mamimili. Ngdire-diretso na lang siya ng lakad tungo sa kaninang upuan at kinuha ang laptop. Isinilid niya ito sa loob ng bag at sumagi ulit sa isip niya ang sulat kanina.'Wrong send lang ba talaga iyon?' Tanong niya sa sarili at napa-iling na lang ito. Ano nga ba kasi iyon? Sana pala binuksan na niya kanina bago pa dumating ang bruhildang kapatid. Biro."Bye bye! Mauna na ako, Thank you!" Nakangiting paalam nito sa mga katrabaho habang kumakaway, Ganoon din naman ang ibinalik sa kanya ng mga kasama."Enjoy your day, Kiel!" Bati nila sa binata. Nang makalabas si Kiel, isang lalaking naka-upo sa harap lang mismo ng lugar kanina na inupuan ng binata ng bumungad sa kaniya. Napangisi ito nang makita si Kiel. Hindi kilala ng kahit na sino. Naka-suot ng itim, at naka balanggot na puti. Nakangisi lamang ito tsaka uminom ng tsaa."Ikaw pala iyan, Verlice. Nandito ka lang pala."